BILANG ISANG MAG-AARAL
ni Mervin Ybañez
Ang pag-aaral ay sisiguraduhin
Pagiging estudyante aking tungkulin
Sa pag-aaral ay hindi magkululang
Pagmamalaki ito sa aking magulang
Bilang isang mag-aaral na nangangarap
Hangad ay maayos na kinabukasan
Na lahat ay kakayanin at gagawin
Ano mang pagsubok ang darating
Sa paaralan ako ay nag-aaral
Bagong kaalaman aking natutunan
Araw-araw ngang nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsusulit ay hindi sumusuko
Buhay ko'y wala pang kasiguraduhan
Kaya nga ngayon ay pinagsisikapan
Sa Diyos, ako'y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay
No comments:
Post a Comment