ni Sheremma Caracena
Sa paglabas ko ng bahay kanina'y wala akong napansin na pagbabago
Ma traffic at mainitin pa rin, pawis ko'y walang humpay
Malayo-layo na ang aking nalakad nang mapansin kong ako'y nag-iisa na lamang
Sa paglalakad ko'y maraming aral ang aking matutunan
Walang permamente sa mundo at kailangan mo lamang sumabay sa agos ng buhay
Sa daang aking tinahak hindi lamang ito diretso minsan dadaan ka rin sa bako-bakong daanan
Hindi lahat ay kaya mo minsan kailangan mo ring huminto kung nahihirapan
Marami na akong dinaangang bako-bako at sira-sirang daanan
Pero nananatili pa rin akong malakas ano man ang aking kinakaharap
Dahil alam ko, mag-isa man ako sa aking paglalakad
Hindi ko maikukubli na ako'y subok na at tunay na matatag
Hindi man perperko kung anong meron ako sa aking buhay
Hindi man ganoon kabilis sa paglalakad sa aking pangarap
Mananatili pa rin ang aking dalawa na nakatapak
Kasama ang May likha sa pakikibaka at pagsulong sa magandang buhay